Dalawang eskwelahan sa QC handa na sa face-to-face classes

Handa na ang dalawang eskwelahan sa Quezon City para sa pilot face-to-face classes sa Lunes, Disyembre 6.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, ito ay matapos aprubahan ng Department of Education (DepEd) ang face-to-face classes sa Bagong Silangan Elementary School at Payatas B Annex Elementary School sa Barangays Bagong Silangan at Payatas.

Ayon kay Belmonte, ang dalawang eskwelahan ay kasama sa 28 eskwelahan sa Metro Manila na magsasagawa ng face-to-face classes.

Nabatid na sumailalim sa safety assessment ng DepEd at Department of Health (DOH) ang mga eskwelahan.

“Ikinatutuwa ng pamahalaang lungsod na magiging bahagi ng pilot face-to-face classes ang dalawa sa ating mga pampublikong paaralan. Makatitiyak ang mga magulang na magiging ligtas ang kanilang mga anak, maging ang mga guro, sa kanilang pagbabalik-eskwela,” pahayag ni Belmonte.

Ayon kay Belmonte, mayroong isolation rooms at on-standby ambulance ang dalawang eskwelahan.

Mayroon ding tubig o wateer, sanitation, at hygiene (WASH) facilities, proper ventilation sa mga silid aralan, sapat na espasyo para sa physical distancing ang mga eskwelahan.

May nakalagay din na physical barriers, markers at signages.

Read more...