Pangulong Duterte, iginagalang ang pag-atras sa pagtakbo ni Go

PCOO photo

Iginagalang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon ni Senador Christopher “Bong” Go na umatras na sa pagtakbong pangulo ng bansa sa 2022 elections.

Ayon sa Pangulo, marami ang nalungkot kaysa natuwa nang umurong si Go.

Sinabi pa ng Pangulo na nirerespeto niya ang pasya ni Go.

Mahirap kasi aniya kung ang pamilya na ang nagpasya.

Sinabi pa ng Pangulo na wala na siyang magagawa kung ayaw ni Go.

Matatandaang nagpasya si Go na umurong na sa paktakbong pangulo dahil sa pag-ayaw ng kanyang pamilya.

Read more...