Tatlo pang pulis, positibo sa COVID-19; Anim gumaling

Nasa tatlo ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Biyernes (December 3), 42,203 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 40 ang aktibo pang kaso.

Anim namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 42,038 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, 125 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...