Global death toll bunsod ng COVID-19, higit 5.25 milyon na

Reuters photo

Lagpas 5.25 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 5,250,054 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 806,398.

Sumunod na rito ang Brazil na may 615,225 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 470,115 naman ang death toll sa India habang 294,715 ang napaulat na nasawi sa Mexico.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 277,640
– Peru – 201,282
– United Kingdom – 145,281
– Indonesia – 143,850
– Italy – 134,003
– Iran – 129,988
– Colombia – 128,643
– France – 119,330
– Argentina – 116,617
– Germany – 102,909

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 264,473,438 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 238,491,434 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...