Limang kaso ng Omicron variant naitala sa New York

Limang kaso ng Omicron variant ng COVID-19 ang naitala sa New York sa Amerika.

Ayon kay New York Governor Kathy Hochul, sa kabuuan, nasa walong kaso na ng Omicron variant ang naitatala sa kanilang lugar.

Agad namang pinakalma ni Hochul ang mga residente.

Hindi naman kasi aniya nakaalarma ang kaso ng Omicron.

Ayon kay Hochul, batid niya na makapapasok ang Omicron sa New York kung kaya naghanda na ang pamahalaan.

Pakiusap ni Hochul sa mga residente, patuloy na magpabakuna, magpa-booster shot at magsuot ng face mask.

 

Read more...