Kontrol ng mga pulitiko sa pulisya nais alisin ni Sen. Bato dela Rosa

Determinado si Senator Ronald dela Rosa na maalis na ang impluwensiya at kontrol ng mga pulitiko sa pulisya.

Inanunsiyo ni dela Rosa ang kanyang plano na maamyendahan ang RA 6975 o ang PNP Law para maalis ang utang na loob ng mga pulis sa mga pulitiko na pumipili at naglalagay sa kanila sa puwesto.

“It also emboldens me to pursue my advocacy in insulating the Philippine National Police from undue political pressure coming from politicians. Kaya siguro ipagpatuloy ko ‘yung aking pangarap na ma-amend ‘yung R.A. 6975, or ‘yung PNP law, na dapat wala nang pulitiko na makialam sa pag-appoint ng chief of police,” sabi ng dating hepe ng pambansang pulisya.

Sa kasalukuyang sistema, ang mayor ang nag-aapruba ng pag-upo ng magiging hepe ng lokal na pulisya, samantalang ang gobernador naman ang sa provincial police director.

Ibinahagi pa nito ang kanyang naging karanasan sa isang election official na tila nakatali ang mga kamay dahil sa maaring gawin ng lokal na opisyal.

“Dahil nga, per my experience, when I was provincial director, ‘yung aking partner na election officer ay ‘pag sinabi ko, ‘let’s go, mag-operation baklas tayo, ‘yung mga unauthorized na mga campaign material na posted in different unauthorized places ay baklasin natin.’ Sasagot ‘yung aking partner na election officer na, ‘mamaya na, sir, mamaya na kasi hindi pa na-approve ng kapitolyo ‘yung request namin na food packs,’” kuwento ni dela Rosa.

Read more...