Gamit ang backhoe, ibinaon ang mga sibuyas sa lupa na may lalim na 12 talampakan.
Ang mga sinirang sibuyas ay bahagi ng mga nasabat ng produkto kasabay ng pinaigting na anti-smuggling drive mula August 2021.
Muling iginiit ng Department of Agriculture (DA) na hindi maaring i-donate ang mga nakumpiskang sibuyas dahil kulang ito sa Sanitary Phytosanitary Import Clearance, na maaring magdala ng panganib sa publiko.
Sa pamamagitan ng Bureau’s Action Team Against Smugglers (BATAS), tiniyak din ng ahensya ang pagsasampa ng mga kaso laban sa mga salarin dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.