Bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, bumaba pa

Nasa 564 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (December 2), pumalo na sa 2,833,473 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 15,188 o 0.5 porsyento ang aktibong kaso.

7,126 sa active COVID-19 cases ang mild; 715 ang asymptomatic; 3,817 pasyente ang moderate; 2,463 ang severe habang 1,067 ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 40 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 48,752 o 1.72 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 694 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 2,769,533 o 97.7 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...