Napaulat ang mga kauna-unahang kaso ng Omicron variant ng COVID-19 sa Nigeria.
Ayon sa Nigeria Center for Disease Control (NCDC), apektado ng bagong variant ng nakahahawang sakit ang dalawang biyahero na dumating sa bansa mula sa South Africa noong nakaraang linggo.
Sinabi pa nito na natukoy ang naturang variant sa pamamagitan ng retrospective sequencing ng mga dating kumpirmadong kaso sa mga nakolektang sample noong Oktubre.
Inanunsiyo ito ng NCDC bago ang pagpupulong sa pagitan nina South African President Cyril Rampahosa at Nigerian president Muhammadu Buhari sa Abuja, kung saan inaasahang tatalakayin ang isyu ng Omicron variant.
Ilang bansa na ang nagpatupad ng travel restrictions sa mga bansa sa southern Africa.
MOST READ
LATEST STORIES