Pangungunahan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Transportation Secretary Art Tugade ang inagurasyon ng 143 social-tourism port projects sa bansa.
Nagbigay ang mga proyekto ng oportunidad para sa mga komunidad at mangingisda sa pamamagitan ng mas mabting port facilities.
Kasama sa mga proyekto ang konstruksyon ng mga bago at modernisadong social and tourism ports, at maging ang rehabilitasyon at pagpapalawak ng mga pantalan sa bansa.
Sa nakalipas na dalawang taon, nakumpleto ng Maritime Sector ng Department of Transportation (DOTr) ang 52 port projects sa Luzon, 64 sa Visayas, at 27 sa Mindanao.
Nakapagbukas ang mga nakumpleto proyekto ng mahigit 4,000 trabaho at natulungan ang 8,000 mangingisda sa buong bansa.
Maliban sa pagtugon sa accessibility ng mga mangingisda, makatutulong ang 143 seaport projects sa pag-unlad ng mga komunidad sa sa pamamagitan ng maayos na pagpapadala ng mga produkto at serbisyo sa malalayong lugar.