Amerikanong pugante dahil sa pagnanakaw at pamemeke, timbog sa Pangasinan

Inquirer file photo

Naaresto ng Bureau of Immigration ang isang Amerikanong wanted dahil sa pagnanakaw at pamemeke.

Sa ulat kay Immigration Commissioner Jaime Morente, nahuli ng mga tauhan ng BI Fugitive Search Unit (FSU) ang dayuhang si Howard Bernard John Highley, 68-anyos, sa kanyang tirahan sa Mangaldan, Pangasinan.

Nahaharap ang dayuhan sa immediate deportation dahil sa pagiging undesirable at undocumented alien kasunod ng kanselasyon ng kaniyang pasaporte.

Naglabas ni Morente ng mission order laban kay Highley matapos humiling ang American embassy authorities sa deportation nito upang maharap ang mga kaso.

Sinabi ng U.S. government na may kinakaharap na arrest warrant si Highley na inilabas ng korte ng Hamilton County, Tennessee noong October 2020.

Sa ngayon, nakakulong si Highley sa BI Detention Facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang hinihintay ang deportation proceedings.

Ilalagay sa immigration blacklist ang dayuhan at hindi na maaring makabalik ng bansa.

Read more...