PCG National Headquarters, muling binuksan para sa Bayanihan Bakunahan

PCG photo

Muling binuksan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang National Headquarters sa Port Area, Manila para sa huling araw ng National Vaccination Days: Bayanihan Bakunahan noong Miyerkules, December 1, 2021.

Unang binuksan ang nasabing vaccination site noong Martes, November 30.

Nagtungo ang mga residente ng Maynila na nais magkaroon ng dagdag na proteksyon laban sa banta ng COVID-19.

Tiniyaj nina PCG Task Force Bayanihan Returning Overseas Filipinos Commander CG Rear Admiral Rolando Lizor Punzalan at Command Surgeon CG Commodore Luz Escarilla na mahigpit na ipinatutupad ang minimum health standards.

Bumisita naman sa nasabing vaccination site sina Transportation Undersecretary Artemio Tuazon Jr, Transportation Assistant Secretary Goddes Hope Libiran, at Transportation Medical Unit Officer, Dr. Rodrigo Camigla bilang pagsuporta sa inisiyatibo.

Bukas ang vaccination site mula 8:00 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon.

Read more...