Binarikadahan ng mga tagasuporta ni dating Muntinlupa Mayor Aldrin San Pedro ang Muntinlupa City Hall ngayong umaga.
Ito ay dahil sa paniwalang dinaya umano si San Pedro sa eleksyon.
Si San Pedro ay kumandidato bilang alkalde sa ilalim ng United Nationalist Alliance (UNA) laban kay incumbent Mayor Jaime Fresnedi ng Liberal Party.
Ayon sa mga galit na supporters, kataka-takang sa ilang presinto ay walang nakuhang boto sa ilang polling precincts.
Dumating na ang mga pulis sa City Hall para itaboy ang mga nagpoprotestang supporters.
Kaninang umaga ay ginamitan pa ng water canon ang mga nagpoprotesta.
Sa partial unofficial tally, halos kalahati ang lamang ng botong nakuha ni Fresnedi kay San Pedro.
MOST READ
LATEST STORIES