Pagkapanalo ni Duterte, inirerespeto ni Trillanes

Kuha ni Rose Cabrales
Kuha ni Rose Cabrales

Kinikilala ni vice presidential candidate at Sen. Antonio Trillanes IV ang pagkapanalo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa presidential race.

Ayon kay Trillanes, inirerespeto niya ang pasya ng taumbayan. “I respect the will of the Filipino people. They have spoken clearly and resoundingly that they want Mayor Duterte to be our next president,” sinabi ni Trillanes sa isang statement.

Tiniyak naman ni Trillanes na hindi siya magiging sagabal sa mga ipatutupad na reporma ng alkalde sa sandaling magsimula na itong manilbihan bilang pangulo ng bansa.

Gayunman, sinabi ng senador na itutuloy niya ang kaniyang mga adbokasiya bilang isang mambabatas. “I assure the Mayor and our countrymen that I will not be a hindrance to the reform initiatives he intends to push in our government. Having said that, I will continue with my advocacies as a legislator in our system of checks and balances. May God bless our country,” dagdag pa ni Trillanes.

Magugunitang si Trillanes ang nagbunyag ng umano ay mga pera ni Duterte sa kaniyang bank accounts.

Sinampahan pa nI Trillanes ng kasong plunder si Duterte sa Office of the Ombudsman dahil sa umano ay mga ghost employees sa Davao City.

 

Read more...