Palasyo, hinikayat ang pagsusuot ng face shield kasunod ng banta sa Omicron variant

Kuha ni Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line

Hinikayat ng Palasyo ng Malakanyang ang publiko na magsuot muli ng face shield bilang proteksyon laban sa COVID-19 kasunod ng banta sa bagong Omicron variant.

Sa press briefing, sinabi ni Cabinet Secretary at acting Presidential spokesperson Karlo Nograles na dagdag proteksyon din aniya ang pagsusuot ng face shield.

Nilinaw naman nito na ang pagsusuot ng face shield ay boluntaryo pa rin, base sa ipinatutupad na polisiya ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Nakasaad sa IATF Resolution No. 148-D na boluntaryo ang paggamit ng face shield sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3 at pababa.

Unang nadiskubre ang B.1.1.529 o Omicron variant sa South Africa.

Read more...