Bilang ng nabakunahan sa 3-day national vaccination drive, higit 547,000 na

Manila PIO photo

Sa pagsisimula ng tatlong araw na National Vaccination Day: Bayanihan, Bakunahan 2021, mahigit 500,000 na ang nabakunahan sa buong bansa laban sa COVID-19.

Sa datos ng National Vaccination Operations Center hanggang 4:00, Lunes ng hapon (November 29), 547,628 na indibiduwal na ang nabakunahan laban sa nakahahawang sakit.

Katumbas ito ng halos 6.07 porsyento ng target na tatlong milyon sa isang araw.

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, 48 porsyento pa lamang ng mga local government unit (LGU) ang nakapagsumite ng datos.

Sa ngayon, naitala ang mataas na vaccinate rate sa Regions 1, 2, 4A, 4B at CAR.

Target ng pamahalaan na mabigyan ng COVID-19 vaccine ang siyam na milyong Pilipino sa tatlong araw na inoculation drive.

Read more...