Pagiging financially independent ng mga kababaihan, dapat palakasin – Legarda

Photo credit: Rep. Loren Legarda/Facebook

Inihayag ni House Deputy Speaker at Antique Rep. Loren Legarda ang kahalagahan na may sariling pera ang mga babae kasabay ng paggunita sa International Day for the Elimination of Violence Against Women.

Itinutulak ng mambabatas ang women economic empowerment para matulungan ang mga kababaihan na umunlad sa sariling kakayahan.

Sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na resources at pantay na access sa mga programang pangkabuhayan, mabibigyan aniya ng dagdag na kakayahan ang kababaihan na pangalagaan at ipaglaban ang kanilang karapatan.

Iniakda ng three term senador ang livelihood assistance measures tulad ng MSME Law at Barangay Kabuhayan and Skills Training Act.

Suportado rin ni Legarda ang 18-day Campaign to End Violence Against Women na pinangungunahan ng Philippine Commission on Women (PCW).

Read more...