Pumalo na sa 261.76 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 261,763,463 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 49,099,590 cases.
Sumunod na rito ang India na may 34,580,832 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 22,080,906 naman ang kaso sa Brazil habang 10,146,915 ang napaulat na kaso sa United Kingdom.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 9,570,373
– Turkey – 8,746,055
– France – 7,620,048
– Iran – 6,108,882
– Germany – 5,782,961
– Argentina – 5,326,448
– Spain – 5,131,012
– Colombia – 5,065,373
– Italy – 5,007,818
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 5,217,303 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 236,423,594 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.