DPWH, may weekend road reblocking sa EDSA

Ipagpapatuloy ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang reblocking at pagsasaayos sa ilang kalsads sa EDSA sa weekend.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sisimulan ang aktibidad bandang 11:00, Biyernes ng gabi (November 26).

Apektado ng aktibidad ang bahagi pagkatapos ng Anapolis St. hanggang bago ang B. Serrano Flyover NB EDSA Boni Serrano Flyover Service Road NB (inner lane) pagkatapos ng B. Serrano Flyover hanggang bago ang P. Tuazon Flyover (2nd lane mula sa sidewalk)

Kaya payo sa mga motorista, dumaan muna sa mga alternatibong ruta.

Muli namang bubuksan ang nasabing kalsada bandang 5:00, Lunes ng madaling-araw (Novemver 29).

Read more...