Vince Dizon, itinalaga bilang bagong Presidential Adviser for COVID response

Palace photo

Nanumpa na kay Pangulong Rodrigo Duterte si testing czar Vince Dizon bilang bagong Presidential Adviser for COVID response.

Base ito sa photo release na inilabas ng Palasyo ng Malakanyang.

Mismong si Executive Secretary Salvador Medialdea ang naging saksi sa oath-taking.

Kasama ni Dizon ang kanyang asawa na si Christine at anak na si Natalie Louise.

Una nang napaulat na kasama na sa campaign team ni Manila Mayor Isko Moreno si Dizon

Pero agad itong pinabulaanan ni Cabinet Secretary Karlo Nograles at sinabing nanatiling working Cabinet member si Dizon.

Read more...