Gobyerno, todo-bantay sa bagong COVID-19 variant na na-detect sa South Africa

Manila PIO photo

Todo-bantay ang Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force (IATF) sa bagong variant ng COVID-19 na na-detect sa South Africa.

Ayon kay Cabinet Secreatry at acting Presidential spokesman Karlo Nograles, nakikipag-ugnayan na ang pamahalaan sa World Health Organization (WHO) kung idedeklara ba ito bilang isang variant of concern o variant of interest.

Ayon kay Nograles, hindi naman nagpapabaya ang Pilipinas at patuloy ang pagsasagawa ng genomic surveillance sa COVID samples upang ma-monitor pa rin ang mga variant ng virus sa bansa.

Sinabi pa ni Nograles na nakaantabay ang Pilipinas sa development kung mahigpit na restriksyon sa South Africa o sa mga kalapit na bansa nito.

Read more...