Petisyon sa SC, panggugulo lang ni Michael Yang – Sen. Gordon

Senate PRIB photo

Natatakot lumabas kaya’t naghain ng petisyon si dating presidential economic adviser Michael Yang sa Korte Suprema.

Ito ang sinabi ni Sen. Richard Gordon kaugnay sa petisyon ni Yang sa Korte Suprema na ipawalang-bisa ang arrest warrants sa kanya ng Senate Blue Ribbon Committee, gayundin ang lookout bulletin ng Bureau of Immigration.

“Ang pagsampa niya ng kaso sa Korte Suprema ay bahagi ng desperadong tangkang pagpapaikot sa Senate Blue Ribbon Committee sa isinasagawa nitong imbestigasyon sa katiwaliang naganap sa gitna ng pandemya,” diin ni Gordon.

Dagdag pa ng senador, ilang ulit nang nagsinungaling sa pagdinig ng komite si Yang.

Sinabi pa ni Gordon na ang kanilang ipinagtatanggol ang karapatan ng mga Filipino at diin niya, mas mabigat ito kaysa sa pribelihiyo ng isang banyaga na nabubuhay sa kasinungalingan.

Read more...