Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 260.32 milyon

Reuters photo

Pumalo na sa 260.32 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 260,327,487 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 48,999,737 cases.

Sumunod na rito ang India na may 34,555,431 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 22,055,608 naman ang kaso sa Brazil habang 10,021,497 ang napaulat na kaso sa United Kingdom.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 9,468,189
– Turkey – 8,676,639
– France – 7,516,746
– Iran – 6,097,672
– Germany – 5,623,047
– Argentina – 5,322,127
– Spain – 5,121,100
– Colombia – 5,057,897

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 5,200,088 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 235,311,719 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...