Hinikayat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang lahat ng mga benipisaryo ng kanilang mga programa na magpaturok na ng proteksyon laban sa COVID 19.
Ito ay kaugnay sa ikakasang National Vaccination Days simula sa Lunes, Nobyembre 29, hanggang Disyembre 1.
“In an effort to support this whole-of-nation and whole-of-society approach to COVID-19 vaccination, the Department continues to conduct information campaigns to encourage its beneficiaries, particularly beneficiaries of the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) including 4Ps school-aged children, to get vaccinated against coronavirus,” ang pahayag ng DSWD.
Sa tatlong araw na pagkasa ng ‘Bayanihan, Bakunahan,’ target ng gobyerno na makapagbakuna ng karagdagang 15 milyong Filipino.
Sinabi pa ng kagawaran na nakapagsagawa na ng mga diyalogo sa mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) para malinawan sila ukol sa pagpapabakuna.
Naikasa ang mga diyalogo sa tulong na rin ng 4Ps-National Program Management Office ng Department of Health.