Naniniwala si Senator Panfilo Lacson na disiplina ang susi para mawala na ang pang-aabuso sa hanay ng mga pulis.
Aniya ito ay sasabayan niya ng pagpapagamit ng body cameras para aniya matigil na ang extra-judicial killings (EJKs).
“One word – Discipline. Disiplinahin natin ang uniformed services. Nagsisimula ang abuso kung nawala ang disiplina sa PNP, AFP and uniformed services,” diin ni Lacson.
Banggit nito, naging epektibo ang polisiya ukol sa disiplina nang pamunuan niya ang pambansang pulisya noong 1999 hanggang 2001 dahil naibalik niya ang tiwala ng mamamayan sa mga alagad ng batas.
Sa paggamit ng body cameras, katuwiran ng senador, magkakaroon na ng pananagutan ang mga pulis sa kanilang mga operasyon.
“On the spot makikita kung may violation o wala. Para rin sa protection ng pulis yan,” paliwanag ni Lacson.