Pagtatakda ng SRP sa karne ng baboy hindi pa kailangan – DA

File Photo

Hindi pa kailangan magtakda ng suggested retail price (SRP) sa karne ng baboy kahit tumataas ang presyo nito, ito ang sinabi ni Agriculture Secretary William Dar.

Tiniyak nito na patuloy nilang binabantayan ang presyo ng karne ng baboy sa lahat ng mga pamilihan.

Sinabi pa ni Dar na hindi pa dumadating sa punto na kailangan nang magtakda ng SRP.

Magugunita na noong nakaraang linggo, inanunsiyo ng kalihim na ikinukunsidera na ang pagtatakda ng SRP sa karne ng baboy na nagsisimula ng tumaas sa pagpasok ng Kapaskuhan.

Aniya pinag-aaralan na nila ang mekanismo ukol sa SRP sa karne ng baboy, kasama na ang mga inangkat sa ibang bansa.

Kasabay nito, tiniyak ni Dar na magiging sapat ang suplay ng karne sa mga pamilihan.

Read more...