Kasunod ito ng mga ispekulasyon sa resulta ng isinagawang drug test sa dating senador, kung saan lumabas na negatibo ito sa cocaine.
Ipinunto ng ospital na “standard” at karaniwan ang format ng printed test result sa lahat ng healthcare facility na awtorisado ng Department of Health (DOH) sa pagsasagawa ng drug test.
“Regarding the mention of Bgy. Usuan as our location, this is because that is the only available location in DOH Integrated Drug Test Operation Management Information System when St. Luke’s Medical Center – Global City was accredited in 2010,” saad pa nito.
Hinikayat ng ospital ang publiko na iwasan ang pagbabahagi ng mga maling impormasyon sa social media.
“St. Luke’s calls on everyone to verify the information they receive from others and the information they plan to post online,” dagdag nito.