LTFRB, umapela na huwag abusuhin ang fuel subsidy program ng gobyerno

Umaapela ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga drayber ng public utility vehicle (PUV) na huwag abusuhin ang fuel subsidy program ng pamahalaan.

Sa Laging Handa Publoc Briefing, sinabi ni LTFRB – National Capital Region Director Zona Russet Tamayo na pinag-aaralan na kasi ng pamahalaan na gawin itong long-term program.

Kung ma-monitor aniya ng LTFRB na inaabuso at may paglabag, ipatatawag ang mga operator at mga drayber.

Maari aniyang maapektuhan ang programa lalo’t pinag-aaralan na ng pamahalaan na palawigin pa ito hanggang sa susunod na taon.

Sinabi pa ni Tamayo na ang Land Bank of the Philippines kung saan credited ang subsidy, mamo-monitor nito kung ginagamit ang ayuda sa ibang bagay.

Sinimulan na ng pamahalaan ang pagbibigay ng P1 bilyong pondo na fuel subsidy sa 136,000 PUV drivers.

Read more...