Abigail Binay, ipinroklamang panalo sa mayoralty race ng Makati.

Abi BinayIpinroklama na bilang bagong halal na alkalde ng Makati City ang anak ni Vice President Jejomar Binay na si Rep. Abigail Binay.

Idineklara na ng Chairman ng City Board of canvassers na malaki na ang lamang ni Binay sa kanyang katunggali sa mayoral race sa lungsod na si Makati Mayor Kid Peña kaya’t hindi na ito makakahabol pa kahit bilangin ang nalalabi pang mga boto.

Dumating sa proklamasyon ang ama ni Abigail na si Vice President Jejomar Binay, Dra. Elenita Binay, kapatid nitong si dating Makati Mayor JunJun at asawa na si Luis Campos na nanalo rin silang Congressman ng 2nd district ng Makati City.

Bukod kay Abigal Binay, proklamado na rin bilang vice mayor ng lungsod ang running-mate nito na si Monique Lagdameo.

Sa pinakahuling tala, nakakuha ng 153,487 na boto si Rep. Binay samantalang 137,803 naman ang boto na nakuha ni Peña.

 

Read more...