As of 4:00AM-Duterte pa rin sa No. 1

Duterte-1123(UPDATE as of 4:00AM) Una pa rin si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na nakakuha na ng kabuuang 38.65% ng bilang ng mga boto ng mga Pinoy sa katatapos lamang na halalan sa bansa.

Sa pinakahuling Inquirer Unofficial Result ng eleksyon, as of 4:00 AM, umaabot na sa 14,826,122 na boto ang nakukuha ni Duterte o katumbas ng 38.65% ng kabuuang bilang ng boto na pumapasok sa Comelec-GMA mirror server.

Pangalawa naman si Mar Roxas na may 8,886,520 na boto o 23.17 %.

Nasa pangatlong puwesto naman ang nag-concede na si Senador Grace Poe na may 8,327,676 votes o 21.71%.

Nasa ikaapat na puwesto si Vice President Jejomar Binay na may 4,945,335 na boto o 12.89%

Panlima si Senador Miriam Defensor Santiago na nakakuha ng 1,348,037 na boto o 3.51%.

 

Read more...