Mula sa pangalawang puwesto, si Robredo na ngayon ang nasa unahan at ikalawa na si Marcos.
Unang lumamang si Robredo sa unofficial results na ipinapaskil sa Comelec-GMA mirror server dakong alas 3:20 ng umaga, matapos itong umani ng 12,860,722 na boto.
Samantalang nalaglag naman si Marcos sa ikalawang puwesto na nakakalap ng 12,860,147 na boto.
Si Robredo ay may lamang na 575 na boto kay Marcos.
Gayunman, sa 3:40 AM update, lumamang na ng 8,886 na boto si Robredo kay Marcos.
As of 3:40 AM, may 12,899,569 na boto na si Robredo samantalang si Bongbong Marcos ay may 12,890,683 na boto.
Sa kasalukuyan, nasa 87.60 porsiyento na ng kabuuang 94,276 na clustered precincts ang nabibilang na sa partial unofficial result sa vice presidential race.