Walang nahawaan na mag-aaral o guro sa unang linggo ng pilot testing ng limited face-to-face classes sa piling paaralan sa bansa, ayon sa Department of Education (DepEd).
“Sa unang linggo ng ating pagpapatupad ng pilot limited face-to-face classes ay wala po tayong naitalang kaso ng COVID sa mga lugar na ito,” sabi ni Assistant Secretary for Field Operations Malcolm Garma.
Nilinaw lang ni Garma na ang datos ay base lamang sa 56 sa 100 pampublikong paaralan na pinagkasahan ng pilot-testing.
Ibinahagi pa niya na may 7,324 mag-aaral at 1,129 teaching and non-teaching personnel ang bahagi ng limitadong pagbabalik paaralan.
At sa naturang bilang, 73.3 porsiyento ng kabuuang bilang ng mga mag-aaral ay sa Kinder hanggang Grade 3, samantalang 25 porsiyento naman ay sa Senior High School.