Sen. Leila de Lima nangangamba sa data privacy sa pagkalat ng ‘spam texts’

Naalarma na rin si Senator Leila de Lima sa pagbaha ng ‘spam text messages’ dahil sa isyu ng data privacy.

Sinabi pa nito nakokompormiso na rin ng nito ang contact tracing efforts ng gobyerno.

“Recently, people aired their complaints in social media about being flooded with spam text messages. Aside from data privacy concerns, what’s equally alarming is the impact on the government’s COVID-19 response as some are now hesitant to share their personal information on contact-tracing applications, blaming these as the reason why they are receiving spam messages,” sabi ng pinuno ng Senate Committee on Social Justice.

Bilin niya sa National Privacy Commission (NPC) na agad hanapin ang mga nasa likod ng spam text messages, na nangangako ng kadudadudang trabaho at malaking suweldo.

Pangamba ni de Lima dahil sa mga insidente, mawala na ang tiwala ng publiko sa ginagawang contact-tracing.

Duda ng mga nakatanggap ng naturang ‘job offers’ sa pamamagitan ng text na nakuha ang kanilang numero sa pag-fill up nila sa contact tracing form sa tuwing papasok ng mga establismento.

Read more...