Bagong driver’s education program, libre online at sa LTO offices

Siniguro sa publiko ng Land Transportation Office (LTO) na walang karagdagang gastos sa implementasyon ng bagong batas kung saan kinakailangan nang dumaan sa comprehensive driver’s education program (CDE) ng mga driver na magpapa-renew ng lisensya.

Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Edgar Galvante, naglalaman ang CDE ng modules na layong mapaalala sa mga driver kung paano mananatiling ligtas sa kalsada.

Kailangang pag-aralan ang CDE modules at kumuha ng 25-question evaluation test para makakuha ng CDE certificate of completion para sa pag-renew ng lisensya.

Libreng makukuha ang CDE learning materials at evaluation test sa LTO Land Transportation Management System (LTMS) portal via portal@lto.gov.ph.

Maaring ma-download ang CDE materials ng limang oras na programa ng video at slide presentations sa lto.gov.ph, o makuha sa lahat ng LTO office sa buong bansa.

Libreng inaalok ng mga tanggapan ng ahensya ang face-to-face CDE seminars at exams.

Nilinaw ng LTO na iba ang CDE sa driver’s education module para sa student drivers at bagong license applicants, na mas mahaba at mayroong practical driving portion.

Sa ilalim ng Republic Act No. 10930, sinimulan na ng LTO ang pag-aalok ng bagong 10-year driver’s license noong sa Metro Manila nakaraang linggo.

Mabibigyan nito ang mga driver na walang traffic violation.

Ani Galvante, madaling maipapasa ang CDE evaluation test ng mga driver na may sapat na kaalaman at kasanayan sa pagmamaneho.

“But even experienced drivers will benefit from the program, with its information on the best practices to deal with stress and road rage, unsafe and abusive motorists, crisis events like accidents and vehicle malfunctions, and updates on new traffic rules and signages,” saad nito.

Maliban sa CDE program at evaluation test, mayroon ding e-books at primers patungkol sa defensive driving at vehicle maintenance sa driver’s education e-learning center sa LTMS portal ng LTO.

“We hope to further expand this free learning resource for Filipino drivers, so our motorists become safer and more responsible drivers,” dagdag ni Galvante.

Read more...