Umiiral pa rin ang Northeast Monsoon o Amihan sa Northern at Central Luzon.
Ayon kay PAGASA weather specialist Meno Mendoza, asahan pa rin ang maulap na papawirin na may mahihinang pag-ulan sa Batanes, Babuyan Group of Islands, Cagayan, Isabela, at Apayao bunsod nito.
Makararanas rin ng kalat-kalat na pag-ulan ang Laguna, Rizal, Northern Quezon kasama ang Polilio Island dahil naman sa shearline ng tail-end of frontal system.
Samantala, Intertropical Convergence Zone (ITCZ) naman ang nagdadala ng pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa Caraga, Davao Oriental, at Davao de Oro.
Sa nalalabing bahagi naman ng bansa, kabilang ang Metro Manila, magiging maaliwalas ang panahon ngunit maaring pa rin ulanin dulot lamang ng localized thunderstorm.
MOST READ
LATEST STORIES