PCG nagbigay muli ng fishing gears, suplay sa Pag-asa Island

Photo credit: PCG/Facebook

Nagbigay muli ang Philippine Coast Guard (PCG) ng fishing gears at ilang pangunahing suplay sa Pag-asa Island, Kalayaan, Palawan.

Ayon kay PCG Spokesperson, CG Commodore Armando Balilo, nai-turnover na ng BRP Capones (MRRV-4404) ng PCG Task Force Pagsasanay (PCGTF-P) ang mga kagamitan sa lokal na pamahalaan ng munisipalidad ng Kalayaan Island Group (KIG) bilang suporta ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa operasyon ng mga lokal na mangingisda, lalo na sa malalayong teritoryo.

Nagpadala rin ng mga kagamitan para sa PCG at Philippine National Police (PNP) stations sa nasabing lugar.

“Relieving personnel were also transported to provide sufficient rest period to deployed law enforcement teams which is necessary in upholding public health and safety amid the COVID-19 pandemic,” saad ni Balilo.

Habang nasa biyahe patungo sa Pag-asa Island, na-monitor ni Captain Glen Daraug, Commanding Officer ng BRP Capones (MRRV-4404), ang isang China Coast Guard (CCG) vessel sa layong 1 hanggang 2 nautical miles mula sa kanilang barko.

Wala namang ipinarating na mensahe ang foreign vessel at patuloy ang biyahe ng Coast Guard ship.

Ayon kay PCG Commandant, CG Admiral Leopoldo Laroya, ipinapamalas sa routine mission ng PCGTF-P sa maritime zones ng bansa ang matibay na pangako ng ahensya sa whole-of-nation approach sa pagbabantay ng teritoryo ng bansa.

“Rest assured that your Coast Guard will continue to strengthen its maritime security law enforcement and safety functions towards the protection of the country’s productive fishing zones and rich biodiversity for the benefit of the present and future generations,” pahayag ng Coast Guard Commandant.

Read more...