Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (November 23), pumalo na sa 2,827,820 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabi kasing bilang, 18,721 o 0.7 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,153 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
55.2 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 4.7 porsyento ang asymptomatic; 20.51 porsyento ang moderate; 13.8 porsyento ang severe habang 5.8 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 195 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 47,482 o 1.68 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 2,182 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 2,761,617 o 97.7 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.