Milyun-milyong halaga ng karagdagang smuggled na sibuyas, nasamsam sa Misamis Oriental

Itinuloy ng Bureau of Customs-Port of Cagayan de Oro (CDO) ang spot-check inspection sa nalalabing 19 containers sa MICTSI container yard sa Tagoloan, Misamis Oriental noong Lunes, November 22.

Naka-consign ang naturang shipment sa EMV Consumer Goods Trading.

Kasunod ng nakuhang impormasyon mula sa Intelligence Group, agad humiling si Oliver Valiente, Chief of Customs Intelligence and Investigation Service CDO Field Station kay District Collector Atty. Elvira Cruz na mag-inspeksyon sa shipment at dito nadiskubre ang mga smuggled na sibuyas.

Sa inisyal na inspeksyon sa kargamento noong November 18, nakuha sa limang container ng kaparehong consignee ang mga smuggled na pulang sibuyas.

Unang idineklara ang kargamento na naglalaman umano ng “mantou” o Chinese steamed bun.

Ani Valiente, lumabas na wala ring Sanitary and Phytosanitary Import Clearance mula sa Department of Agriculture (DA) ang 19 pang container.

Dahil dito, maikokonsiderang hindi ligtas para kainin ang mga nasabat na sibuyas.

Sinabi ng BOC na tinatayang aabot sa P67.2 milyon ang halaga ng mga smuggled na sibuyas.

Humiling na ang CIIS CDO kay Cruz na maglabas ng Warrant of Seizure and Detention laban sa kargamento.

Read more...