Aktibong kaso ng COVID-19 sa PNP, mababa na sa 100

Nasa 11 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Martes (November 23), 42,173 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 97 ang aktibo pang kaso; 23 ang naitala sa National Capital Region habang 74 sa iba pang rehiyon.

18 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 41,951 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, 125 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...