Global death toll bunsod ng COVID-19, higit 5.17 milyon na

AFP photo

Lagpas 5.17 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 5,174,849 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 794,864.

Sumunod na rito ang Brazil na may 612,842 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 466,147 naman ang death toll sa India habang 292,524 ang napaulat na nasawi sa Mexico.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 265,336
– Peru – 200,894
– United Kingdom – 143,972
– Indonesia – 143,744
– Italy – 133,247
– Iran – 129,053
– Colombia – 128,138
– France – 118,555
– Argentina – 116,382

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 258,441,144 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 233,913,110 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...