Presidential candidate sa yate at pribadong eroplano tumitira ng cocaine

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na sa yate at mga pribadong eroplano tumitira ng cocaine ang hindi pinangalanang presidential candidate. Sa talumpati ng Pangulo sa General Santos, sinabi nito na kaya nahihirapan ang mga pulis na hulihin ang naturang presidential candidate dahil mahirap mahabol. Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa gitna ng batikos na hindi nahuhuli ang mga malalaking isda na sangkot sa ilegal na droga habang ang ordinaryong adik ay agad na napapatay sa operasyon.. Ayon sa Pangulo, bahala na ang taong bayan na magpasya kung maniniwala o hindi kaugnay sa isang presidential candidate na adik sa cocaine. Matatandaan na noong nakaraang linggo lamang, binatikos ni Pangulong Duterte si presidential candidate Bongbong Marcos Jr. at sinabing weak leader o mahinang lider. Ayon sa Pangulo, wala naman kasing nagawa si Marcos matapos ang ilang taong panunungkulan bilang aenador at kongresista.

Read more...