Amihan, Easterlies patuloy na iiral sa bansa

DOST PAGASA satellite image

Patuloy na umiiral ang Northeast Monsoon o Amihan sa dulong Hilagang Luzon.

Ayon kay PAGASA weather specialist Chris Perez, asahan pa rin ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan sa Batanes at Babuyan Group of Islands.

Kaparehong lagay ng panahon din ang iiral sa sa Ilocos region, CAR at natitirang bahagi ng Cagayan Valley.

Sa nalalabing parte naman ng bansa, kasama ang Metro Manila, mainit at maalinsangang panahon ang nararanasan dulot ng Easterlies.

Ngunit ani Perez, posible pa ring makaranas ng mga panandaliang pag-ulan lalo na sa hapon o gabi.

Wala naman aniyang inaasahang mabubuong bagyo sa teritoryo ng bansa sa mga susunod na araw.

Read more...