Romblon, nilindol; Intensities, naitala sa ilang karatig-bayan

Tumama ang magnitude 3.7 na lindol sa Romblon, Lunes ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 17 kilometers Southwest ng Corcuera bandang 2:25 ng hapon.

14 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Bunsod nito, naitala ang intensity 3 sa Corcuera, Calatrava at San Andres, Romblon habang instrumental intensity 2 naman sa Roxas, Oriental Mindoro.

Wala namang napaulat na pinsala sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...