Operasyon ng LRT-1, magkakaroon ng temporary suspension sa Nov. 28, Jan. 23 at 30

Magpapatupad ng temporary suspension sa operasyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) sa November 28, 2021, January 28 at 30, 2022.

Ayon sa Light Rail Manila Corporation (LRMC), layon nitong bigyang-daan ang pagkumpleto sa gagawing upgrade sa signalling system ng linya ng tren.

Kasama ang contractor, magsasagawa ang LRMC ng mga serye ng test run at trial run sa LRT-1 upang matiyak ang kahandaan ng bagong signalling system.

Ginagamit ang railway signalling o traffic light system para sa railway traffic at mapanatili ang maayos at ligtas na operasyon.

“We look forward to the many exciting developments lined up for LRT-1 in 2022. The migration to the new signalling system underscores LRMC’s commitment in modernizing the LRT-1 and delivering better service to our customers,” pahayag ni Enrico R. Benipayo, LRMC Chief Operating Officer.

Dagdag nito, “We would like to request the understanding of our passengers for this temporary inconvenience, and would like to assure them that this will be beneficial in the long-run.”

Inabisuhan naman ng publiko na planuhin nang maaga ang mga biyahe upang hindi maabala.

Read more...