Bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, mababa na sa 20,000

Halos 1,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (November 22), pumalo na sa 2,826,853 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabi kasing bilang, 19,798 o 0.7 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 984 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

56.6 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 4.6 porsyento ang asymptomatic; 20.02 porsyento ang moderate; 13.3 porsyento ang severe habang 5.6 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 218 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 47,288 o 1.67 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 2,229 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 2,759,767 o 97.6 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...