Aktibong kaso ng COVID-19 sa PNP, nasa 104

Nasa tatlo ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Lunes (November 22), 42,164 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 104 ang aktibo pang kaso.

Walo namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 41,935 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, 125 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...