Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 257.83 milyon

Reuters photo

Pumalo na sa 257.83 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 257,832,881 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 48,592,810 cases.

Sumunod na rito ang India na may 34,518,901 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 22,017,276 naman ang kaso sa Brazil habang 9,845,492 ang napaulat na kaso sa United Kingdom.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 9,331,158
– Turkey – 8,571,554
– France – 7,414,971
– Iran – 6,077,438
– Germany – 5,378,192
– Argentina – 5,315,348
– Spain – 5,080,663
– Colombia – 5,048,061

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 5,168,069 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 232,756,149 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...