Sens. Ping Lacson, Tito Sotto nagpa-drug test sa PDEA

OFFICE OF SEN. VICENTE SOTTO III PHOTO

Nagpunta sina Senate President Vicente Sotto III at Senator Panfilo Lacson sa punong tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Quezon City.

Sumailalim ang dalawa sa drug-test at sabi ni Sotto; “Magkaalamanan na kung sino ang matapang.”

Nabatid na hindi ordinaryong drug test kit ang ginamit sa dalawa.

“What we underwent was not the ordinary testing. PDEA uses a multi-drug testing kit. It can check all types of illegal drugs. Encompassing holistic drug test,” dagdag pa ni Sotto.

Sabi pa nito kapag ordinary testing ay shabu at marijuana lang ang nalalaman.

Ayon naman sa PDEA ang ginawa nilang proseso kina Lacson at Sotto ay ang tinatawag na ‘multi drug one-step immunometric essay for the detection of drugs of abuse in urine.’

Noong nakaraang linggo, ibinunyag ni Pangulong Duterte na isang presidential candidate sa eleksyon sa susunod na taon ang lulong sa cocaine.

Read more...