Umabot na sa 34 ang bilang ng newly-overhauled light rail vehicles (LRVs) o bagon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3)
Kasunod ito ng matagumpay na pagde-deploy ng dalawa pa sa mainline sa buwan ng Nobyembre.
Tiniyak ng pamunuan ng MRT-3 na dumaan sa masusing speed tests ang mga bagon para masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero bago patakbuhin.
Sa ngayon, 65 sa 72 LRVs ang operational, at 34 rito ang bagong overhaul.
Bahagi ang general overhauling ng mga bagon ng malawakan at komprehensibong rehabilitasyon ng nasabing linya ng tren.
Sa ngayon, 38 na bagon na lamang ang nakatakdang i-overhaul ng maintenance provider ng MRT-3.
Nananatili pa rin sa 70 porsyento ang passenger capacity ng mga tren.
MOST READ
LATEST STORIES