Mga taga-suporta ni VP Binay, hindi pinaboto-UNA

 

Llyn Rillon/Inquirer

Hindi pa rin sumusuko ang panig ni Vice President Jejomar Binay.

Kagabi, humarap sa mga media ang mga tagapagsalita ng Pangalawang Pangulo at inihayag ang kanilang nakikitang dahilan kung bakit ito nasa pang-apat na puwesto  sa presidential race.

Giit ni Joey Salgado, communications director ni VP Binay, ipinakikita lamang nito na ang nagkaroon ng malawakang ‘disenfranchisement’ ng mga botante ni Binay,

Malinaw aniyang nakagawa ng paraan ang administration party na pigilin ang mga boboto sa Pangalawang Pangulo partikular sa rehiyon ng Mindanao kung saan malakas ang suporta nito.

Giit pa ni Salgado, nananatiling ‘unofficial’ at ‘partial’ .

Ang magbibigay aniya ng huling at opisyal na bilang at maghahayag ng tunay na nanalo sa halalan sa pagka-pangulo ay ang Kongreso.

Read more...